Alex, nae-enjoy ang pagpapadede!

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Alex Gonzaga sa isang post ang pag-aalaga sa kanilang anak ng mister na si Vice Mayor Mikee Morada na walang ligo at ayos pero aniya ay masaya pa rin siya.
Isang buwan na nga ang baby nila, walang kaayus-ayos at halatang hindi pa nagsusuklay si Alex habang nagpapadede sa anak na si Gerard at may caption na “One month of being a mommy! Walang ganda, ayos at ligo pero masaya. Ps: Your ultimate sexy goddess now signing off. Amfee”
May netizen na nag-comment na pagdating daw ng mister niya ay ipaamoy niya ang kanyang anit para raw kahit papaano ay tanggal pagod din. Pinuri pa nito si Alex na maganda pa rin ito kahit walang ligo at suklay dahil mas mahalaga ang baby.
Sinagot naman ito ng kapatid ni Toni Gonzaga at proud nitong sinabi na “lagi nya inaamoy lahat ng parte ng katawan kong napapawisan at binobola akong mabango naman daw.”
- Latest
























