^

PM Sports

Perpetual Altas tusok sa Letran Knights

Russell Cadayona - Pang-masa
Perpetual Altas tusok sa Letran Knights
Kumamada si Jimboy Estrada ng 18 points, habang bumida si NCAA Season 101 Rookie at Freshman of the Year Titing Manalili sa fourth quarter para sa 1-0 record ng Knights sa Group B.
STAR / File

MANILA, Philippines — Binuksan ng Colegio de San Juan de Letran ang NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa pamamagitan ng 84-77 panalo sa University of Perpetual Help System DALTA kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Kumamada si Jimboy Estrada ng 18 points, habang bumida si NCAA Season 101 Rookie at Freshman of the Year Titing Manalili sa fourth quarter para sa 1-0 record ng Knights sa Group B.

Bigo ang Altas sa kanilang unang salang sa torneo.

Sa likod nina Gelo Gelsano at LA Casinillo ay kinuha ng Perpetual ang 51-45 abante sa third period bago nagtuwang sina Mananili at Justin Cargo para sa 72-69 bentahe ng Letran sa 5:25 minuto ng fourth quarter.

Huling nakalapit ang Altas sa 77-81 mula sa three-point shot ni JD Pagulayan sa natitirang 33.4 segundo.

Bumanat naman sina Manalili, Cargo at Kevin Santos para tiyakin ang panalo ng Knights.

Sa unang laro, nagkadena si point guard Jhomel Ancheta ng 19 points, 4 rebounds at 3 assists para banderahan ang College of St. Benilde sa 77-68 paggupo sa nagdedepensang San Beda University.

Nagdagdag si rookie Matthew Jucom ng 18 markers para sa 1-0 baraha sa Group A ng Blazers na naglaro na wala si reigning two-time MVP Allen Liwag na may injury.

Bumanat si transferee Aldous Torculas ng 19 points para sa Red Lions, habang may siyam na marka si RC Calimag.

Kinuha ng San Beda ang 58-57 abante sa huling tatlong minuto ng fourth quarter bago naghulog ang St. Benilde ng isang maikling 7-2 bomba para agawin ang 64-60 lead.

Ang salaksak ni Ancheta sa natitirang 31.9 segundo ang naglayo sa Blazers sa 72-66.

Huling naghamon ang Red Lions sa 68-72 mula sa basket ni RC Calimag sa nalalabing 25.2 segundo.

Nagtuwang naman sina Matthew Jucom, Irele Galas at Celis para tuluyan nang selyuhan ang panalo ng St. Benilde.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with