^

Probinsiya

College student dedo sa nakaparadang backhoe 

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
College student dedo sa nakaparadang backhoe 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arren, 20-anyos, College student, residente ng Brgy. Bancal Carmona. 
File photo

CAVITE, Philippines — Patay ang isang college student matapos sumalpok sa isang nakaparadang backhoe ang minamaneho nitong motor habang bumabagtas sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Bancal Carmona City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arren, 20-anyos, College student, residente ng Brgy. Bancal Carmona. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-4 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Governor’s Drive sakay ng kaniyang Yamaha Sniper 155 na may plakang D419NH at may kabilisan umano ang takbo batay na rin sa CCTV footage mula sa Carmona Operations Center. 

Pagdating umano nito sa pakurbang bahagi ng kalsada, hindi napansin ng biktima ang nakaharang na backhoe kaya niya nasalpok ito.  

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakahinto ang nasabing backhoe sa mismong pakurbada na kalsada at madilim ang lugar.

Bukod rito, wala umanong nakalagay na anumang warning device ang lugar kung saan ito nakatigil. 

Sa lakas ng pagkakasalpok ng biktima, nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo at idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with