Malakanyang: Huwag mag-panic sa Super El Niño “
MANILA, Philippines — Huwag mag-panic sa gitna ng paparating na Super El Niño phenomenon.
Ito ang naging payo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hindi kailangang mag-panic tulad ng mga nakikita sa social media, kundi kailangang lang na maging handa.
Ayon pa kay Castro, nakahanda ang pamahalaan sa sinasabing phenomenon dahil hindi naman ito bago sa Pilipinas dahil nagkaroon na rin ng Task Force El Niño.
Kaya kung mas matindi aniya ang magiging epekto ngayon ng El Niño ay dala ito ng climate change, subalit nakahanda naman ang gobyerno at marami na rin programa ang naumpisahan maging mga ayuda para sa mangingisda at mga magsasaka.
Hindi naman masiguro ni Castro kung hindi magkakaroon ng water crisis tulad nang naranasan noong 2019 dahil sa ngayon ay wala pa silang nababalitaan na kakulangan sa suplay ng inuming tubig.
- Latest
















