Concert ni Moira, nganga, kinansela

Iba’t iba ang opinion at judgment sa hindi pagkakatuloy ng concert ni Moira sa Oct. 4.
Pero ang bottomline ay matumal diumano ang bentahan ng mga ticket kaya kinakailangan itong kanselahin.
Kahapon nga ay naglabas ng pahayag ang organizer/producer ng concert para sa nasabing kanselasyon.
“We regret to announce that the MOIRA: Where It All Started concert scheduled for October 4, 2026 at SM Mall of Asia Arena has been postponed to next year.
“We sincerely apologize for any inconvenience this may cause,” umpisa ng nasabing statement.
Magkakaroon daw sila ng refund sa mga hawak ng ticket.
“Further details regarding new dates and other updates are yet to be announced.
“For ticket holders who wish to request a refund, please coordinate directly via www.ticketmaster.ph or Ticketmaster customer support.
“Thank you for your patience and understanding.
“We hope to see you next year!”
May ilang na-disappoint sa pangyayari, pero talagang ang karamihang komento ay mabagal ang bentahan ng ticket.
In fact, isang section pa lang daw nito ang sold-out samantalang sa weekend na ang concert.
Ang dami ring pangaral kay Moira ng ibang followers niya na ‘wag daw kasing maging mayabang at maging humble lang.
Maaalalang naging kontrobersiyal si Moira nang aminin ni Sam Milby na hindi na sila friends ni Moira matapos siyang i-unfollow nito sa Instagram dahil sa ‘falling-out.’
Bukod kay Sam, may iba pang kasama niya sa kanyang former management group ang nag-unfollow sa kanya.
Dati silang mag-kuya ni Sam as in very close. Napagbintangan pa nga si Moira na diumano’y third party sa breakup nina Sam at Catriona Gray.
Pero kamakailan ay itinanggi ito ni Moira.
Anyway, baka kasi talagang pinaghandaan ng fans ang concert ni Regine Velasquez na magaganap din this October
Sen. Lito, magkakaroon ng bagong posisyon?!
Totoo kayang may special position na ibibigay kay Sen. Lito Lapid?
Reliable ang source tungkol dito pero bawal ibigay ang detalye.
Mas nagustuhan daw kasi ng iba ang pagiging tahimik ng senador/aktor na suportado ang bagong batas na nagtatakda sa limang taong termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Aniya, makatitipid ang pamahalaan ng bilyun-bilyong piso na maaari namang gamitin upang magbigay ng tulong sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.
As in marami raw magugulat sa bagong gagampanang tungkol ng senador na napapanood sa Coco Martin’s Sigabo.
Heart, sumakses sa MFW!
Consistent sa front row si Heart Evangelista sa katatapos na international fashion week.
Winner na naman nga sa pagrampa sa Milan Fashion Week si Heart.
Sa kabuuan, umabot daw sa 14 major brands ang sinuot ni Heart at inirampa.
Kabilang dito ang luxury brands na Prada, Diesel, Jil Sander, Fendi, Missoni, MM6 Maison Margiela, Onitsuka Tiger, Max Mara, Anteprima, Albert Fereti, Roberto Cavalli, Sportmax, Ferragamo and Dolce & Gabbana.
Ang MFW ay kasunod ng kanyang bonggang pagdalo sa New York Fashion Week.
At tulad sa obserbasyon ng marami, parang mas daring pa si Heart.
Saka in her element siya sa mga reel na inilabas niya sa social media.
Nauna nang lumabas ang resulta sa NYFW kung saan nakamit niya ang ikalawang puwesto na may mataas na EMV (Earned Media Value) – $5.6M.
Batay sa datos mula sa influencer marketing platform na Lefty, inihayag ng brand-building agency na Karla Otto na nakapag-ambag si Heart ng EMV (o estimated media value) na nagkakahalaga ng $5.6 million sa pitong fashion show na dinaluhan niya sa NFW.
Tanging ang Thai actress na si Love lamang daw ang nakahigit kay Heart, na may EMV na $6.7 milyon. Napunta kay Heart ang mas mataas na puwesto kumpara sa Thai influencer na si Thanachok Siriwiraphan, Thai actress na si Lingling Kwong, at miyembro ng Blackpink na si Jisoo.
Hindi na bago kay Heart ang pagiging popular sa global fashion event tulad ng NFW at MFW kung saan paborito siyang tutukan ng international fashion publications.
Saka ang advantage ni Heart, artist talaga siya na pati mga post na reel, may ‘drama,’ na ayon sa kanyang mga nakaraang interview, siya mismo ang gumagawa ng script at pati mga angle ng shot.
- Latest






















