^

Pang Movies

Aktres, wala nang maibigay na oras sa ginagawang series

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

MABUBURO yata ang hindi matapus-tapos na ginagawang series ng isang sikat na aktres na matagal na niyang ginagawa pero hindi matapus-tapos dahil sa nakaraang pangyayari sa buhay niya!

Ayon sa source namin sa production, lagi raw pack-up ang taping. Wala raw kasing maibigay na schedule for ta­ping ang aktres.

Eh kapag uncooperative ang bida sa series, nagkakaroon na ng pagkatataon ang network na huwag na itong ituloy pa kesa lumobo pa ang gastos!

Eh wala na yata sa priority ng aktres ang mag-artista pa dahil may pera na siya at may pera rin ang napangasawa  niya!

Jennylyn, walang planong pumatol!

PINATAHIMIK ng kanyang management si Jennylyn Mercado sa biglang ingay ng ama ng kanyang panganay anak na si Jazz, si Patrick Garcia.

Siyempre, nagulat ang lahat kay Patrick na nagpa-interview kay Ogie Diaz.

Hindi na namin binasa o pinanood ang interview ni Patrick. Tumaas na lang ang kilay namin sa mu­ling pagkabuhay ng aktor!

Sangkot syempre sa pahayag ni Patrick ang anak nilang si Jazz!

Naku, Patrick, may sarili ka na ring pamilya! Happily married na si Jen kay Dennis Trillo at meron na rin silang anak!

Tipong sarcastic naman ang post ni Dennis sa Facebook niya.

“Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo.

“O spread LO?VE not Hate,” post ni Dennis.

‘Pag sumagot pa si Patrick, alam mo na ang gusto!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with