^

Pang Movies

Fans, hopia sa Alden at Heart tambalan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Fans, hopia sa Alden at Heart tambalan!
Heart at Alden

May naka-line up ba na project for Heart Eva­ngelista and Alden Richards?

Marami kasi ang nakakapansin na kahit busy, nila-like at minsan, nagku-comment pa si Heart sa Instagram (IG) post ni Alden. Minsan na rin ipinahiram ni Heart ang stylist niya kay Alden at ang hinihintay na lang ay ang paggi-guest ni Alden sa People Have Spoken at masasabing sold na ang friendship ng dalawa kahit hindi sila madalas magkita.

In an earlier interview, nabanggit ni Alden ang kagustuhang makatrabaho si Heart, na-excite ang kani-kanyang fans at nag-request sila sa GMA.

Ang latest na pagko-comment ni Heart sa IG post ni Alden ay nang rumampa ang aktor sa Bench Fashion Show.

Anyway, nagsimula na ang registration sa gaganaping Fun Ride PH na ang nasa likod ay si Alden at ang kanyang Myriad Entertainment Corporation. Gaganapin ito  sa Nov. 7, 2026 sa Quirino Grandstand. Ang maganda sa fun run na ito, hindi lang adult ang puwedeng sumali, pati mga bata ay welcome.

Fans ni Kathryn, naghahabol sa kanta ni Daniel

Paano ba naman makaka-move on ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung bawat kilos na lang ng dalawa ay ina-associate sa bawat isa? Gaya na lang nitong pagkanta ni Daniel ng Hinaha­nap-Hanap Kita na dinagdagan ng salitang Meow sa dulo.

Sabi ng fans ni Kathryn, para raw sa aktres ang song na ‘yun at ibig sabihin, hindi pa nakapag-move on si Daniel. Kinakanta raw ni Daniel ‘yun noong sila pa ni Kathryn.

Sagot naman ng fans ni Daniel, hindi para kay Kathryn ang song na kinanta ng aktor sa concert niya sa Bongao Tawi-Tawi. Bawal daw ba kantahin ang song na ‘yun? Isa yata ‘yun sa nasa playlist ni Daniel tuwing may concert siya.

Sagot uli ng fans ni Kathryn, para raw walang isyu, para na lang kay Andrea Brillantes ang nasabing kanta. Maaalalang isa raw si Andrea sa mga rason kung bakit nag-break sina Daniel at Kathryn.

Anyway, ang saya basahin ang puksaan ng dalawang kampo ng fans at hindi sila nauubusan nang ibabala sa kabila. Laging may sagot na rebuttal kapag nagbato ang kabila.

Ang maganda nito, payuhan si Daniel to stop singing the said song para wala nang ma­ging isyu, which is unfair din sa kanya.

Mario Maurer, darating sa ‘Pinas!

Dumating si Valerie del Rosario sa cast reveal at mediacon ng Fight For My Way na pinagtatambalan nina Ashtine Olviga at David Licauco and streaming on Viva One on Nov. 20, 2026.

Tinanong namin si Val kung invited ba si Mario Maurer sa premiere night ng Viva Films movie na Pee-Mak? Request ito ng fans sa Viva dahil napanood na pinu-promote niya ang movie nina Wilbert Ross at Bea Binene na showing sa Oct. 14, 2026.

“We will try” ang sagot ni Val sa amin na tiyak ikatutuwa ng fans nito. Mukha ngang in-invite nila ang Thai actor sa premiere night sa Oct. 12 dahil sabi ni Val, i-a-announce agad nila kung darating si Mario.

Minsan nang nakarating sa Pilipinas si Mario at marami siyang Pinoy fans na lubos na matutuwa sakaling siya ay dumating.

HEART EVA­NGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with