^

Metro

Isko tinanggap 100 Smart TV mula sa PAGCOR

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Pagpapaigting ng digitalization

MANILA, Philippines —  Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 100 Smart TV units na donasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Miyerkules, bilang suporta sa pagpapalakas ng digita­lisasyon at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza mula kay PAGCOR Assistant Vice President Eric Balcos at Senior Manager Rydel De Guzman ang mga Smart TV na makatutulong sa patuloy na moder­nisasyon ng City Hall at sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang higit pang mapahusay ang operasyon ng lokal na pamahalaan at ang paghahatid ng mga serbisyo sa publiko.

Nagpasalamat si Domagoso sa patuloy na pakikipagtulungan ng PAGCOR sa pamahalaang lungsod, at sinabi na patunay ang donasyong ito ng matibay na ugnayan ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga Manileño.

Tiniyak din ni Domagoso na ang mga donasyong kagamitan mula sa PAGCOR, gayundin ang iba pang natatanggap ng lungsod, gagamitin nang maayos, responsable, at direktang makikinabang ang mga residente ng Maynila.

PAGCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with