^

Metro

14-anyos na sangkot sa pambubugbog sa Grade 10 na nasawi, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hawak na ng pulisya ang isang 14-anyos na ­binatilyo na umano’y kasama sa pambubugbog sa isang Grade 10 student na sinaksak at kalaunan ay nasawi sa Baseco, Maynila noong Pebrero.

Ayon kay PLt. Col. Norman Patnaan, station commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, Setyembre 7 nang silbihan ng warrant of arrest ang menor-de-edad na suspek, na ngayon ay nasa kustodiya ng Manila Youth Reception Center.

Naganap ang insidente noong gabi ng Pebrero 9, 2026 matapos umanong bastusin ng isa sa mga suspek ang nobya ng biktima. Batay sa CCTV footage, makikitang nag-aabang ang isang binatilyo sa likod ng paaralan bago nito sinaksak ang biktima.

Matapos saksakin, binugbog pa umano ng suspek at ng 14-anyos nitong kasama ang biktima. Nakatakbo pa ito ngunit kalaunan ay humandusay sa isang eskinita at dinala ng mga saksi sa pagamutan, kung saan siya binawian ng buhay dahil sa tinamong mga saksak.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with