^

Metro

Publiko pinag-iingat sa organ trafficking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ) ang publiko laban sa pagbebenta ng human organ kapalit pera.

Sa isang online post, nagbigay babala ang naturang kagawaran sa panganib na kaakibat ng ganitong uri ng ilegal na gawain. Maituturing aniya itong buwis-buhay.

“Ang organ trafficking ay isang mapanganib at ilegal na gawain kung saan ang mga tao ay nililinlang, pinipilit, o ina­abuso para sa pagbebenta ng kanilang mga lamang loob,” saad sa online post ng DOJ-IACAT.

Sa simula, maaaring mukhang mabilis na solusyon ang alok na pera, ngunit ang kapalit nito ay matinding panganib sa kalusugan at maging­ ang pagkawala ng buhay, ayon pa sa post.

Payo pa ng ahensya, sa halip na ipagpalit sa pera ang kaligtasan, ireport o magsumbong sa kanilang “1343 Actionline against Human Trafficking” kung may nalalaman sa gawain ng sinidkato sa organ trafficking trap.

ORGAN TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with