^

Metro

Doktor at kasabwat tiklo sa estafa ng P1 milyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Filipino-American doctor at kasamang babae dahil sa kabiguang ibigay ang dolyar na katumbas ng P1-milyon mula sa isang negosyante sa Parañaque City, nitong Biyernes.

Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief, PCol. Nicolas Piñon, isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong swindling (estafa) ang mga suspek na sina alyas “Migs”, 36, lalaki, residente ng Batasan Hills, Quezon City at kasama niyang si alyas “Inkee”, 51, residente ng Carmona, Cavite, na kapwa inireklamo ng negosyanteng si Christopher Aguilar.

Sa inisyal na imbestigasyon, noong Disyembre 11, 2025, nakipagkita ang negosyante sa da­lawang suspek sa Parqal Building, sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque para sa transaksyon ng cash exchange na P1,000,000.00 para sa USD 100,000.00. subalit hindi naibigay, sa kabila ng written acknowledgement.

Idinulog ang reklamo sa Tambo Police Sub-station ng negosyante kasama ang isang testigo, at tinungo ang Parqal Building, sa Macapagal Boulevard, at inaresto ang mga suspek.

NICOLAS PIñON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with