^

Metro

Ex SK Chairman, kalaboso sa estafa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex SK Chairman, kalaboso sa estafa
Ayon kay Pasay City Police Station, dinakip si Patrick Bien Rocas Villanueva, residente ng Sta. Cruz, Manila sa­­ bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Batangas City Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 1, sa kasong estafa sa pa­ngunguna ni P/Captain Dennis Dealkisa, Offi­cer-in-Charge ng Station Intelligence Section.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso an isang dating Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na may kasong estafa matapos itong maaresto ng mga operatiba ng pulisya nang mamataan sa Roxas Boulevard, sa Pasay City, nitong Biyernes.

Ayon kay Pasay City Police Station, dinakip si Patrick Bien Rocas Villanueva, residente ng Sta. Cruz, Manila sa­­ bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Batangas City Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 1, sa kasong estafa sa pa­ngunguna ni P/Captain Dennis Dealkisa, Offi­cer-in-Charge ng Station Intelligence Section.

Dakong alas-3:50 ng hapon nitong Biyernes ng arestuhin ng mga awtoridad si Villanueva sa harapan ng Midas Hotel, sa R. Blvd.

Walang kaukulang piyansang inirekomenda ang korte dahil convicted na si Villanueva sa nasabing kaso at dapat nang isilbi ang sentensiya. Ang akusado ay inireklamo sa pag-scam sa mga biktimang kinabibilangan din ng isang anak ng Kongresista at Senador.

Kasalukuyan nang nakapiit sa Warrant and Subpoena Section ang suspect habang hinihintay ang commitment order ng korte para mailipat sa kaukulang piitan.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with