Scholarship grants sa dependents ng mga pulis ilalarga
MANILA, Philippines — Isusulong ng National Police Commission (Napolcom) sa pakikipag tulungan ng Metrobank Foundation ang paglalaan ng scholarship program para sa pag aaral ng mga dependents ng mga miyembro ng PNP.
Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan, ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na programa upang maiangat ang kabuhayan ng mga law enforcers at kanilang pamilya.
“We will persist in promoting programs that support our policemen and their loved ones, in recognition of their sacrifices for the Filipino people,” ayon kay Calinisan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng NAPOLCOM at Metrobank Foundation ay hindi lamang ito upang mapalakas ang public service para sa mamamayan kundi para magkaroon ng long-term welfare para sa police community.
- Latest






















