Metro Manila binaha sa thunderstorm
MANILA, Philippines — Dumanas na naman ng pagbaha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahilan sa malalakas na pag-ulan na dulot ng thunderstorm nitong Sabado ng hapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) .
Sinabi ng MMDA na iniulat ang gutter-deep na pagbaha sa ilang mga lugar sa Metro Manila pero nadadaanan pa naman ng mga behikulo ang mga pangunahing daan.
Bandang alas-2:07 ng hapon ayon sa MMDA kabilang sa mga dumanas ng pagbaha ay ang EDSA Shaw tunnel sa Northbound sa Mandaluyong City; kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue sa Parañaque City kabilang sa harapan ng SM Sucat malapit sa Parañaque National High School at Canaynay Avenue intersection sa Brgy. San Dionisio matapos namang umapaw ang Villanueva creek. Samantalang ang kahabaan ng Roxas Boulevard at Pedro Gil sa lungsod ng Maynila ay gutter-deep pero nadadaanan pa ng mga behikulo ; kahabaan ng Roxas-EDSa northbound intersection sa Pasay na gutter-deep rin ang baha.
Nag-isyu ng Thunderstorm advisory No. 22 ang weather bureau bandang alas-2:10 ng hapon na ibinabala ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at Cavite.
- Latest






















