^

Metro

Marikina Police chief sibak sa ‘command responsibility’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

‘Aleng Pulis’ minolestiya ng 2 kabaro

MANILA, Philippines — Inalis sa puwesto ang chief of police ng Marikina City sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y sexual assault ng dalawang pulis sa kasamahang policewoman kamakailan sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Eastern Police District (EPD) director  PBGen. Aden Lagradante, sa press briefing nitong Lunes, na aalamin sa imbestigasyon kung nagpabaya sa tungkulin si PCol. Geoffrey Fernandez.

Aniya,isang “extensive” na imbestigasyon ang isinasagawa kaya’t bukod sa station commander, tinanggal din sa puwesto ang substation comman­der ng dalawang pulis na sangkot sa reklamo ng pangmomolestiya, mga kasamahan, team lea­ders, chief supervisor, sector commander at ang mga tauhan ng Women and Children Protection Desk.

Una nang naiulat ang reklamo ng isang policewoman laban sa mga kasamahan na isang patrolman at isang staff sergeant sa sekswal na pang-aabuso sa kanya habang naka-duty noong Agosto 17.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek sa EPD Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) at mahaharap sa kasong administratibo, gayundin ng acts of lasciviousness at paglabag sa Republic Act 8353, o ang Anti-Rape Law.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with