Dengue campaign ng Quezon City LGU, epektibo

MANILA, Philippines — Epektibo ang pinaigting na kampanya ng Local Government Unit (LGU) ng Quezon City para makontrol ang sakit na dengue at iba pang mga sakit na karaniwan ng nararanasan ng kanilang mga residente sa tuwing panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Dra. Patricia Ann Bonifacio ng Quezon City Health Department, dahil ito sa mga informative drive sa ginagawang pag iikot ng mga tauhan sa mga binabahang lugar ay nagiging health conscious na ang QCitizen pagdating sa mga sakit na karaniwang nararanasan tuwing tag-ulan lalo na kapag may mga pagbaha.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Dr Bonifacio na mas agresibo na ngayon ang mamamayan ng Quezon City na makapagpa check-up sa mga health centers sa lungsod oras na makaramdam ng lagnat .
“Dati yung mga tao ay bumibilang pa ng 5 to 7 days bago magpakonsulta sa ating mga health centers pero dahil sa pinaigting natin kampanya sa dengue at leptospirosis na parehong lagnat ang sintomas. ngayon dalawang araw ang lagnat ay agad silang nagpapakonsulta sa ating mga health centers.
Nilinawanag din ni Bonifacio na bagama’t umabot na sa 7,201 cases ang naitalang kaso ng dengue hanggang nitong Agosto 27 sa Quezon City ay hindi naman ito dahilan para ideklara ang health emergency dahil ang mga kaso ay hindi naaabot ang epidemic threshold.
- Latest

















