^

Metro

‘Alice Guo 2.0’ tanggal sa PCG Auxiliary

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon na delisted na mula sa PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron ang Filipino-Chinese businessman na si Auxiliary Rear Admiral (RADM) Joseph Sy bunsod ng umano’y misreprentasyon ng kanyang pagka-mamamayan. 

Nabatid na ito ay may kinalaman sa rebelasyon ni Sen. Risa Hontiveros na si Sy, ay may hawak na posisyon sa PCGA kahit pa naaresto ito dahil sa pagpapakilalang isang Pinoy, tulad nang pinatalsik na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Tiniyak rin naman ni Dy na ang PCG at PCGA ay nananatiling committed sa pagpa­panatili ng pinakamataas na stan­dards of honor, patriotism, at public service at anumang aksiyon na maglalagay sa kumpromiso ng mga naturang prinsipyo ay kanilang haharapin ng naaayon.

Ipinaliwanag ng PCG na ang aplikasyon ni Sy, na naging bahagi ng PCGA Executive Squadron noong 2018, ay sumailalim sa proseso at iniendorso ng squadron. Si Sy ay hindi ikinonsidera para sa delisting noon dahil nagawa nitong makapagprisinta ng mga katibayan ng kanyang pagiging Pinoy at mayroon ring good standing sa komunidad bilang pinuno ng isang kagalang-galang na organisasyon 

Nilinaw rin naman ng CG-7 na ang involvement ng PCGA ay limitado lamang sa mga civic activities gaya ng relief operations, disaster response support, at coastal cleanup drives.

Hindi rin umano lumalahok ang Auxiliary unit sa maritime operations at wala ring access sa mga critical installations o mga sensitibong tanggapan ng ahensiya.

Nauna rito, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na ang Chinese na si Chen Zhong Zhen, 60, na inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Agosto 21 dahil sa pagpapakilalang isang Filipino, ay si Sy.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with