^

Metro

Medical allowance ng mga guro asahan na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Medical allowance ng mga guro asahan na
This photo taken before the coronavirus pandemic hit shows a teacher in a classrooms with her students.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inamyendahan na ng Department of Education (DepEd) ang guidelines para sa pagpapatupad ng P7,000 medical allowance ng mga guro upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito kung paano ang mga ito matatanggap ang nasabing benepisyo.

Sa pahayag ng Teachers Dignity Coalition (TDC), welcome sa kanila ng ginawang pagbabago sa guidelines na naisakatuparan isang araw matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ukol sa implementasyon ng nasabing allowance noong Agosto 19. Ang update ng direktiba ay inisyu sa DepEd memorandum noong Agosto 20.

“This is a positive step, and we appreciate that DepEd has listened to the voice of teachers,” ani TDC National Chairperson Benjo Basas.

Isa sa pangunahing opsiyon ngayon na idaan sa payroll disbursement, kung saan kailangang magsumite ng proof o katibayan ng medical expenses. Kinumpirma ng DepEd na dapat na i-release ng hindi lalagpas ng Agosto 31.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang TDC sa mga pagkaantala sa pag-release ng allowance para sa fiscal year 2025, dahil may apat na buwan na lang ang natitira bago matapos ang taon. Itinampok din ng grupo ang mga hamon na kinakaharap ng Schools Division Offices (SDOs) sa pagpapatupad ng Health Maintenance Organization (HMO) scheme.

Nagbabala si Basas laban sa mga potensyal na “fly-by-night” na HMO na naghahanap ng tubo mula sa P7,000 na alokasyon bawat guro, na idiniin na ang allo­wance ay dapat na pa­ngunahing makinabang sa mga guro, hindi mga tagapamagitan.(

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with