^

Metro

5 tiklo sa higit P3 milyong ketamine, ecstasy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 tiklo sa higit P3 milyong ketamine, ecstasy
Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

MANILA, Philippines — Limang kilabot na “tulak” ang dinakma ng Pa­rañaque Police Station kasabay ng pagkakasamsam ng P3,204,700.00 halaga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy.Tambo, Parañaque City. 

Sa ulat ni Parañaque Police Station Officer-in-Charge, PCol. Nicolas Piñon,  nadakip ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCapt. Luis Gazzingan Jr., sina alyas “Christian”, 28;  alyas “Symon”, 29; alyas “Renmer”, 26, “Jackylyn”, 21, at  “Christine”, 26. 

Nakuha sa mga ito ang 200 gramo ng hinihinalang Ketamine na may halagang ?1,100,000.00; 1,000 gramo ng Marijuana Kush katumbas ng ?700,000.00; 500 gramo ng pinatuyong marijuana na may halagang ?60,000.00 at 791 Ecstasy tablets na may halagang ?1,344,700.00.

Bukod pa rito, nakuha rin ang isang sachet ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng ?16,800.00, at ilang pakete ng iba’t ibang kulay ng Ecstasy tablets, buy-bust money, weighing scale, storage box, cellphone na ginamit sa transaksiyon sa poseur-buyer. 

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) PMGen. Anthony Aberin at SPD Director PGen Randy Arceo ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with