^

Metro

Jailguard tinangkang barilin ng pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa selos

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nagwala at tinangkang barilin ang isang jailguard matapos mahuling nakikipag-inuman ang huli sa kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Payatas Bagong Silangan Police Station 13, bandang alas-12:20 ng madaling araw nitong Martes, nang maganap ang insidente sa tahanan ng isang Police Sergeant na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at nakatira sa Brgy. Payatas sa lungsod. 

Ayon kay PCpl Lucio Tarun, inimbita ni alyas “Mary Joy”, 31-anyos ang jail guard na mag-inuman sa kanilang bahay. Isinama ng jail guard ang driver na si alyas “Villadores” sa bahay ni “Mary Joy” at habang nag-iinuman ay dumating ang pulis.

Dala ng selos, tinanong ng pulis ang jailguard at driver kung pulis ang mga ito na tinugon naman ng pagtango.

Bunsod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa magwala ang pulis at pinagbabato ang anumang mga nadadampot na bagay nito hanggang sa bumunot ng baril.

Agad namang tinangkang agawin ng jail guard ang baril ng pulis hanggang magpambuno ang dalawa dahilan upang kapwa sila masugatan.

Napayapa lamang ang dalawa ng may rumes­pondeng pulis matapos makatanggap ng tawag sa 911 mula sa isang concern citizen. 

Nahaharap sa kasong grave threat and slight physical injury ang pulis habang slight physical injury at usurpation of authority ang jailguard at driver nito.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with