6 airport personnel, sibak

Positibo sa illegal drugs
MANILA, Philippines — Anim na mga airport personnel ng iba’t ibang airport sa bansa ang sinibak sa serbisyo makaraang magpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang random drug testing.
Batay sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Lunes, isinagawa ang random drug testing sa 14 na CAAP-operated airports sa buong bansa simula Pebrero hanggang Agosto 2025.
Kabilang ang anim sa 1,703 na sumalang sa drug testing at nakumpirmang gumagamit ng iligal na droga.
Nabatid na tatlo mula sa Butuan Airport at tig isa mula sa General Santos International Airport, Ozamiz Airport, at Bacolod-Silay Airport.
Tiniyak din ng CAAP na patuloy nilang babantayan at mahigpit na ipatutupad ang protocols at palakasin ang pananagutan ng mga tauhan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng pasahero at mapanatili ang tiwala ng publiko.
- Latest

















