^

Metro

Kaso ng Leptospirosis bumababa; kaso ng Dengue tumaas – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng Leptospirosis bumababa; kaso ng Dengue tumaas – DOH
Nurses attend to patients diagnosed with leptospirosis and bronchitis at the gymnasium of the National Kidney and Transplant Institute in Quezon City yesterday. The gym was converted into a hospital ward amid a surge in leptospirosis cases.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumaba sa 10 ang naitalang leptospirosis cases kada araw simula Agosto 10-14, kung ikukumpara sa halos 200 na kaso kada araw noong Agosto 3-9, 2025, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabuuan, mayroon ng 3,752 na kaso ng leptospirosis mula Hunyo 8 o isang linggo matapos ideklara ang tag-ulan, hanggang Agosto 14.

Nananatili namang naka alerto ang mga DOH Hospitals habang activated na ang 49  leptospirosis fast lanes sa buong bansa.

Paalala ng DOH, agad na magpakonsulta sa mga nasabing fastlane o sa inyong health center o ospital kung sakaling nalubog sa baha o na-expose sa putik ngayong tag-ulan para ma-assess ang inyong risk level para sa tamang gamutan.

Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, sakit ng ulo, panginginig, pananakit ng likod o binti, at pamumula ng mga mata.

Samantala, bahagyang tumaas naman ang mga kaso ng Dengue .

Ang bahagyang pagtaas sa kaso ng dengue ay naitala noong Hulyo 13-26, na umabot sa 15,091. Matatandaang ito ang linggo nang maram­daman ang epekto ng bagyong Crising, Dante at Emong.

Sa nasabing linggo, mas mataas ng 7% ang kaso ng dengue kumpara sa naitalang kaso mula Hunyo  29 hanggang Hulyo 12 na umabot sa 14,131.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with