2 drug suspect tiklo sa higit P.3 milyong ‘bato’

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang drug suspects na itinuturing na High Value Individual (HVI)makaraang makuhanan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon Police Chief PCol. Allan Umipig ang mga nadakip ay nakilalang sina alyas “Salva”, 38, (HVI), ng Navotas City at alyas “Ending”, 46, ng Dagat-dagatan, Brgy. Longos.
Sa ulat na isinumite ni Umipig kay Northern Police District (NPD) District Director PBGen. Jerry Protacio, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Alas-11:45 ng gabi nang magkasundo ang isang pulis na nagpanggap na buyer at mga suspek na magkita na nagresulta sa pagkakaaresto ng huli sa Aguilar St., Brgy., Panghulo.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P342,720 at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings.
- Latest



















