Pampanga Mayor timbog sa ‘P80 milyong suhol’

MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga si San Simon, Pampanga Mayor Abundio Punsalan Jr. kaugnay ng pagtanggap nito ng P80 milyong bribe money mula sa isang kompanya ng bakal.
Bukod kay Punsalan, dinakip din ang isang alyas “Ed” na sinasabing kasabwat sa bribery nang ikasa ng NBI ang operasyon bandang alas-6:15 ng gabi sa isang restaurant sa Clark, Angeles, Pampanga.
Batay sa ulat, naghain ng reklamo ang Realsteel Corp hinggil sa P80 milyong bribe money na hinihingi umano ng alkalde. P30 milyon bilang inisyal na kabayaran at P50 milyon na ibibigay ng hulugan.
Ang nasabing halaga ay kapalit ng paborableng desisyon mula sa lokal na pamahalaan.
Binitbit din ang security personnel ng alkalde na may dalang mga baril, alas-7:50 ng gabi ng Agosto 5 sa NBI headquarters sa Pasay, para sa beripikasyon.
Ipaghaharap ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang dalawang inaresto.
- Latest






















