4 arestado sa buy-bust

MANILA, Philippines — Apat kabilang ang isang delivery rider at isang online seller ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang mahigit P200,000 halaga ng shabu sa Parañaque City, Huwebes ng umaga.
Sa ulat kay Parañaque City Police Station chief, PCol. Nicolas Piñon, ang mga suspek na sina alyas “Doro”, 24, delivery rider; “Christine”, 23, online seller; alyas “John Lorde”, 30 at alyas “Melody”, 35 ay isinailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Dakong alas-8:15 ng umaga ng Hulyo 17 nang makabili sa mga suspek sa San Juan De Coastal, Barangay San Dionisio, ang poseur-buyer ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng isang sachet ng shabu.
Matapos ang palitan, agad na dinakma ng nakaantabay na mga operatiba ang apat at narekober pa ang 5 sachets, na may kabuuang 30 gramo o standard drug price na P204,000.00.
- Latest

















