^

Metro

Online illegal recruiter, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na babae ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation matapos manghingi pa ng karagdagang processing fee sa isang aplikante na umasang makakapagtrabaho sa Netherlands, sa Parañaque City, noong Miyerkules.

Kinilala ni Parañaque City Police Station Officer-in-Charge PCol. Nicolas Piñon ang suspek na si alyas “Mary Joyce”, na positibong itinuro ng biktimang si alyas “Jennilyn”, na nanghingi sa kaniya ng kabuuang P175,000.00 para sa processing fees ng kaniyang pagtungo sa Netherlands o sa Japan bilang Overseas Filipino Worker (OFW).

Dakong alas-5:20 ng hapon ng Hul­yo 16, nang maaresto si Mary Joyce sa pakikipagkita sa biktima sa Quirino Avenue, Brgy. Don Galo, nang ibigay ang karagdagang P16,000.00.

Sa imbestigasyon, nakilala lamang ng biktima ang suspek na Mary Joyce at isang alyas “Neallica” sa social media na nagpakilalang konektado sa Dimension Manpower Agency Inc.

Ipinagkatiwala ng biktima ang mga dokumento sa pangakong makakaalis ng bansa sa Hulyo 29, 2025. Sa pamamagitan ng cash, GCash at online transfers, ay naibigay ang nasabing halaga bilang processing fees.

Bigo ang biktima na makakuha ng official receipts o anumang dokumento mula sa suspek at hindi rin nabigyan ng updates sa inaasahang paglipad, at sa halip ay nanghingi pa ng karagdagang P16,000 kaya nagpasaklolo na sa Para­ñaque Police Detective Unit, matapos mag-isyu ng nasabing manpower agency na hindi konektado sa kanila ang mga suspek.

NICOLAS PIñON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with