^

Metro

Higit 20K babae sa Quezon City sumailalim sa libreng breast cancer screening

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Quezon City Health Department ang pagkakaloob ng  libreng breast cancer screening sa may  22,476 kababaihan mula sa anim na distrito ng lungsod.

Sa naturang bilang, nadiskubre na may 146 indibidwal ay positibo sa breast mass.

Umaabot sa 8 kababaihan ang nadala sa East Avenue Medical Center para maoperahan at magamot habang ang 133 ay  isinailalim sa mammograms  sa Quezon City General Hospital.

. “Cancer ang isa sa mga sakit na mataas ang mortality rate sa Quezon City. Madali lang itong matugunan kung maaagapan at mabibigyan agad ng atensyon para hindi na lumala pa,” sabi  ni Mayor Joy Belmonte.

Sa tala ng  Philippine Statistics Authority (PSA) noong nagdaang taon, ang sakit na cancer ang ikalwang dahilan ng kamatayan ng maraming Pilipino na ang marami ay may lung, liver, breast, colorectal, at prostate cancers.

“Batid natin na kakulangan sa panggastos ang problema ng mga mamamayan kaya nagkakaroon ng pagdadalawang-isip sa pagpapa-check up at pagpapakonsulta. Kaya tinitiyak ko na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa kanila hanggang sa kanilang paggaling sa sakit,” dagdag ni Mayor Belmonte.

vuukle comment

UEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with