^

Metro

Hiwalay na piitan para sa mga Muslim inihirit sa BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipagpulong ang Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs sa Bureau of Corrections (BuCor) para sa mungkahing ihiwalay ng piitan ang mga Muslim persons deprived of liberty (PDLs).

Ito ang iminungkahi nitong Biyernes ni Almarim Tillah, Presidential Adviser on Muslim Affairs  kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. sa layong  mapangalagaan ang kultura ng Muslim kahit sa penal institutions.

“Sa aming diyalogo at konsultasyon sa ating mga kapatid na Muslim sa iba’t ibang ahensya ng Pambansang pamahalaan, isa sa mga tinalakay ay ang kalagayan at hamon ng mga Muslim PDL sa loob ng ating mga piitan at ang mungkahi na magkaroon ng hiwalay na bilangguan para sa mga Muslim PDL ay itinaas,”  sabi ni Catapang.

Mas mahusay umano ang magiging  pamamahala kung hiwalay ang bilangguan ng mga Muslim dahil mas maliit ang tsansa ng panganib sa karahasan at tunggalian.

Ang mga Muslim ay may makabuluhang kasanayan na binubuo ng limang pagdarasal araw-araw, wastong paghahanda at ­paghahatid ng mga Halal na pagkain at ang papara­ting na buwan ng Ra­madan na kinabibilangan ng pag-aayuno ng isang buong buwan na may iba’t ibang oras ng pagkain.

Kahit na ang mga indibidwal na ito ay ­itinuturing na mga PDL, sinabi ni Tillah na sila ay may karapatan pa rin na isagawa ang kanilang pananampalataya na makakatulong sa kanila na magbago sa isang mas mabuting tao.

Sinabi ni Catapang kay Tillah na tatalakayin niya ang kanyang panukala kay Justice Secretary Crispin Remulla at tiniyak sa kanya na ang lahat ng PDL sa ilalim ng pangangalaga ng BuCor ay pinahihintulutan na magsagawa ng kanilang pananampalataya at sinisigurado nila na ang mga pagkaing inihahain sa mga Muslim PDL ay ang mga pinahihintulutang kainin, ayon sa ang mga aral ng Islam.

Batay sa datos ng BuCor, mayroong 2,803 Muslim PDL population ang BuCor, kung saan 1,039 ang nasa New Bilibid ­Prison, 661 sa Davao Prison at Penal Farm, 647 sa Sablayan ­Prison and Penal Farm, 207 sa Correctional ­Institution for Women, 135 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 87 sa San Ramon Prison and Penal Farm at 27 sa Leyte Regional Prison.

vuukle comment

BUCOR

MUSLIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with