2 ‘tulak’ timbog sa higit P.1 milyong shabu sa Caloocan
MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Caloocan City Police ang dalawang ‘ tulak’ sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. 120 ng nabanggit na lungsod.
Kinilala ni Caloocan City Police chief PCol. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alias Syril, 30, ng Potrero Malabon City at alias Glaiza, 36, ng Caloocan City.
Batay sa report ni Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon hinggil sa transaksiyon ng mga suspek.
Agad na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit-CCPS sa pangunguna ni PCpt. Emmanuel Aldana ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa 1st Avenue, sa gilid ng Shell Gas, Brgy 120, Caloocan City. Nagsilbing poseur buyer si PCpl. Ronnie Tabaniag na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P108,800.00 halaga ng shabu sa suspek.
Nakuha rin sa mga suspek ang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng “shabu” at boodle money na ginamit sa buy-bust operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II of R.A. 9165 ang mga suspek.
- Latest