^

Metro

Trike driver nang-scam ng Australian vlogger, dinampot

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang tricycle driver na itinuturong nang-scam sa isang Australian vlogger na siningil ng P550 sa biyahe na hindi pa umabot ng isang kilometro sa Ermita, Maynila ka­makailan.

Nasa kustodiya na ngayon ng MPD-Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ang suspek na itinago ang pagkaka­kilanlan na itinuturong bumiktima sa vlogger na si Dwaine Woolley.

Naaresto nitong Miyerkules ang suspek sa isang traffic violation nang hindi pansinin ang pulang traffic light sa Ermita, Maynila. Wala siyang nailabas na lisensya at rehistro nang hanapan ng traffic enforcer at nang isailalim sa berepikasyon ay nadiskubre na siyang pinaghahanap sa pambibiktima sa naturang vlogger.

Sa vlog ni Woolley, pupunta sana siya sa isang malapit na mall mula sa tinutuluyan niyang hotel sa Ermita na may 9 na minuto lang niyang lalakarin at habang naglalakad, tumigil sa tabi niya ang tricycle at inalok siya ng driver nito na ihahatid sa halagang P50.

Habang nasa daan, pinik-ap ng tsuper ang isang babae at isa pang lalaki na pawang kakilala niya. Dito biglang inihinto ng tsuper ang tricycle at sinabing nasiraan sila kaya bumaba na lamang si Woolley at nagbayad ng P100.

Ngunit dito umano siya pinagmumura lalo na ng babaeng kasabwat at sinisingil na siya ng tsuper ng P550 dahil ito umano ang rate ng mga private tricycle sa lugar. Humingi ng saklolo si Woolley sa security guard sa lugar na wala ring nagawa sa grupo, hanggang sa magbigay na lamang ang dayuhan ng P250.

“Nagiging pangit po kasi ‘yung image. Hindi lang po sa Kamaynilaan pati sa buong Pilipinas po,” pag-amin ni MPD-Smart investigator PCpl. Niechi Pascual.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with