^

Metro

4 timbog sa scamming SIM cards

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national at tatlong Pinoy na nahuli sa akto na nagbebenta ng mga SIM cards na ga­mit sa online scamming sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa may Nicanor Padilla Street, San Miguel, Maynila.

Bunsod ito ng impormasyon na ipinarating sa kanila ukol sa iligal na aktibidad sa distribusyon at pagbebenta ng mobile phone devices nang walang kaukulang permits mula sa NTC.

Nagbebenta rin ang mga suspek ng “pre-registered SIM cards” na napupunta sa mga sindikato o kompanya na sangkot sa online scamming at iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Nakilala ang mga nadakip na sina  Li Peng, alyas  Devin Li , Chinese national; Anelyn Cabi­ling; Rachelle Bufete; at Antonnette Hernandez.

Nakumpiska sa kanila ang: 325 piraso ng mga brand new at 2nd hand na cellphones; at dalawang piraso ng P1,000 bill na ginawang marked money kasama ang boodle money;

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa RSOG Custodial Facility at nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 7394 o ang Consumer Protection Act in relation to R.A. 3846, na isinampa sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with