Tapyas presyo sa petrolyo, asahan sa susunod na lingo
November 11, 2023 | 12:00am
MANILA, Philippines — May bawas ulit sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry, aabutin ng mula P2.40 hanggang P2.70 kada litro ang rollback sa presyo ng diesel, habang P1.65 hanggang P1.85 kada litro ang tapyas sa presyo ng kerosene at 60 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.
Ang galaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing araw ng Martes naipatutupad ang price adjustment sa petrolyo.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended