^

Metro

3 dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.

Ayon sa Dam monitoring ng Pagasa, sumobra na sa imbak na tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at ang Ambuklao at Binga dam kaya’t nagpakawala na sila ng tubig.

Kahapon ng alas-6 ng umaga, umabot sa 101.01 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam na lagpas sa spilling level ng dam na nasa 101 meters.

Dahil dito, nakabukas ng .15 meters ang isang gate ng naturang dam.

Tig-dalawang gate rin ang binuksan sa Ambuklao at Binga dam na may opening na 0.5 metro sa Ambuklao at 0.6 metro naman sa Binga dam.

Samantala, patuloy naman ang pagtaas ng water level sa Angat dam na nadagdagan pa ng .80 meters sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, umakyat pa sa 202.23 meters ang water elevation ng naturang dam.

vuukle comment

DAM

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with