^

Metro

Trader itinumba sa tapat ng bahay sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Trader itinumba sa tapat ng bahay sa Makati
Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktimang si Gilberto Cayetano Jr., residente ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng apat na hindi nakikilalang suspect habang ang una ay nagpapahinga sa loob ng sasakyan sa tapat ng kanyang bahay sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktimang si Gilberto Cayetano Jr., residente ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ni P/SSg John Robert  Baligod, may hawak ng kaso, dakong alas -10:59 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ng biktima.

Sinabi ni Rachelle Reyes, misis ng biktima, na habang binabantayan ang kanyang food stall sa kahabaan ng J. Victor Street, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, nakita niya ang kanyang mister na nagpapahinga sa loob ng kanilang sasakyan.

Ayon sa mga testigo, pinaputukan ito ng mga suspect lulan ng mga motorsiklo.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Narekober sa crime scene ang 5 fired cartridge cases, isang (1) metallic fragment, at  isang tinga o fired bullet.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing may nauna nang banta sa buhay sa ng biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.

vuukle comment

PIO DEL PILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with