^

Metro

Caloocan LGU may libreng mental health services

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May handog na libreng mental health screening at konsultasyon ang pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng Caloocan City Calm Space upang matulungan ang mga residenteng nakararanas ng emosyonal at sikolohikal na suliranin.

Bukod sa konsultasyon sa mga mental health professional, nagbibigay rin ang pasilidad ng libreng yoga, tai-chi, at sound healing sessions upang makatulong sa pagpapahinga at pangangalaga sa mental well-being ng mga residente.

Hinimok ni Mayor Along Malapitan ang publiko na samantalahin ang mga libreng serbisyo, lalo na ngayong Mental Health Awareness Month. Ayon sa alkalde, layunin ng pasilidad na matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga residente, kabilang ang mga kabataang nahaharap sa mga hamong nakaaapekto sa kanilang mental health.

Matatagpuan ang Caloocan City Calm Space sa ikalimang palapag ng Caloocan City Hall–South at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Maaaring magpa-iskedyul sa pamamagitan ng email na [email protected] o tumawag sa 0949-943-4669, 0949-963-6418, 0949-959-7897 at 0949-986-1907.

HEALTH

MENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with