^

Metro

Kahit pa 100% capacity na ang operasyon, kita ng mga tsuper hindi pa rin sapat- transport group

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa rin umano sapat ang kikitain ng mga tsuper kahit na ibinalik na sa dating kapasidad ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, partikular sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PASANG MASDA president Obet Martin, ito ay dahil sa taas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Kaugnay nito, hiniling ni Martin sa pamahalaan na madaliin ang paglalabas ng pondo para sa fuel subsidy at service contracting ng mga jeepney driver.

Umaasa rin ang grupo na aaprubahan ang kanilang hiling na dagdag-pisong pamasahe, at suspensiyon ng excise tax sa langis.

Matatandaang ngayong nasa Alert Level 1 na ang NCR at iba pang lugar sa bansa, balik na rin ang 100% kapasidad ng mga pampublikong sasakyan.

Aniya, dapat tiyakin ng mga ito na nasusunod ng pasahero ang mga health at safety protocols laban sa COVID-19.

“‘Yung seating capacity na 100% na lang po. Ingatan po natin ang ating mga pasahero,” aniya pa.

“Naiintindihan ko po ang sistema o katayuan ng ating mga tsuper ngayon ng jeepney. ‘Wag nating abusuhin sapagkat baka magdulot lamang ng sakuna sa ating mga sakay na pasahero at magkaroon lang tayo ng mabigat na problema,” dagdag pa niya.

vuukle comment

TSUPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with