^

Metro

2 killer ng ex-tabloid editor, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 killer ng ex-tabloid editor, timbog
Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Nilo Payag Anub at Richard Go Alaba.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na sinasabing siyang bumaril at pumatay sa dating editor ng tabloid na si Gwenn Salamida sa loob mismo ng kaniyang beauty salon and spa na matatagpuan sa ­Quezon City noong nakaraang buwan.

Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Nilo Payag Anub at Richard Go Alaba.

Batay sa ulat ng La Loma Police Station (PS-1) ng Que­zon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-7:00 ng gabi ng Setyembre 3, nang maaresto ang mga suspek sa Sto Niño St., Brgy. Commonwealth.

Ayon kay PLtCol Tyrone Valenzona, ng PS-1 at siyang namuno sa pag-aresto sa mga suspek,  matapos na rebyuhin ang CCTV footages sa lugar na pinangyarihan ng krimen ay kaagad silang nagsagawa ng follow-up operations dito.

Sinabi ng opisyal na nakita sa CCTV footage na isa sa mga suspek ang sinundo ng isang kulay silver na Toyota Corolla na may plakang TSG 684, sa harap ng Floor Center Muñoz Branch.

Matapos ito ay nakunan aniyang muli sa CCTV ng Bake Shop sa Don Fabian St,. Brgy. Commonwealth ang pagdaan ng nasabing sasakyan.

Nagbunga naman ang patuloy na follow-up operations ng mga awtoridad nang mamataan nilang muli ang naturang behikulo na bumabaybay sa Sto. Niño St., Brgy. Commonwealth, kaya’t kaagad na itong hinarang.

Nagtangka pa umanong tumakas ang mga suspek ngunit naaresto rin sila ng mga alertong alagad ng batas.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang .38 caliber revolver, isang granada, dalawang piraso ng bala ng M203, gayundin ang silver na Toyota Corolla na may plakang TSG-684.

Magugunitang dakong alas-3:35 ng hapon ng Agos­to 17, 2021 nang pa­sukin ng isa sa mga suspek ang Gott Beauty Salon and Spa na pagma-may-ari ni Salamida at matatagpuan sa 192 Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with