Libreng swab testing sa Quezon City, samantalahin
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na samantalahin ang libreng swab testing sa lungsod.
Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang malaman na may isang ginang ang napa anak sa tricycle dahil hindi tinanggap nang isugod sa ospital dahil walang swab test na isang rekisitos na protocol sa mga pagamutan para ma-admit.
“Ipinapaalala ko sa lahat ng QCitizens, lalo na ang mga may scheduled procedures sa mga ospital o sa mga malapit nang manganak na may libreng swab test para sa ating mga residente. Ginagawa nating libre ang testing upang hindi na madagdagan pa ang gastusin ng ating mga kababayang nangangailangang maospital, ” sabi ni Belmonte.
Gayunman, sinabi ni Belmonte na may proseso bago mabigyan ng libreng swab test sa QC na itinakda ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng community based testing sites.
Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, ang mga residente ng QC na nais sumailalim sa libreng COVID-19 testing ay maaaring magpa- book online sa http://bit.ly/QCfreetest.
“Swab testing is strictly by appointment and no walk-ins are allowed to avoid overcrowding. This is also due to the limited supply of daily test kits allocated for this purpose. For pregnant women, we remind them to be conscious of their delivery date when booking a schedule for swab testing to avoid any unforeseen circumstances. This is free, so we encourage them to avail of the service,” sabi ni Cruz.
- Latest