^

Metro

Pedicab driver, tinaga sa ulo ng buko vendor

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mistulang ginawang buko ang ulo ng isang pedicab driver nang  tagain ito ng kanyang stepfather matapos  magkaroon ng mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasa kritikal na kondisyon pa rin  sa Tondo Medical Cen­ter  ang biktimang si  Marcelino Austria, 63, ng Brgy. Tugatog, Malabon dahil sa tinamong taga sa ulo at katawan.

Agad namang naaresto ang  amain nito na si Eduardo Aguilar, 72, na isang buko vendor. Narekober sa suspek ang ginamit na bolo sa pananaga.

Lumilitaw sa  report na tinanggap ni Malabon City Police chief, Col. Albert Barot mula kina PSSg Mardelio Osting at PSSg Ernie Baroy na naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi .

Nagkaroon ng mainitang  pagtatalo ang  biktima at suspek  hinggil sa pagsasaayos ng  bahay sa  na humantong sa  pananaga ng  huli sa una.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng bolo ang suspek saka pinagtataga sa ulo at katawan ang biktima. Nagawa namang makawala ng biktima sa pananaga at humingi ng  tulong sa Sub Station 2 ng Malabon City.

Sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspek.

vuukle comment

EDUARDO AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with