^

Metro

Meat vendors sa Metro Manila, nag- ‘pork holiday’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Meat vendors sa Metro Manila, nag- �pork holiday�
Kahapon, sinimulan ng pamahalaan ang pagpapatupad sa price ceiling sa ilalim ng Executive order 124 na nagtatakda na ang halaga ng kada kilo ng kasim at pigue ay P270, P300 sa kada kilo ng liempo, at P160 ang kada kilo ng manok sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.
Boy Santos/File

Protesta sa price ceiling

MANILA, Philippines — Sarado ang halos karamihan ng mga tindahan ng karne ng baboy at manok sa mga palengke sa Metro Manila nang ituloy ng meat vendors ang ‘pork holiday’ bilang  pagkondena sa price cap  na pinasimulang ipatupad kahapon ng pamahalaan sa karne ng  manok at baboy.

Sa  Commonwealth Market sa Quezon City, walang nagtinda ng baboy at manok sa palengke dahil sa pangambang malulugi lamang kung magbebenta ng karne dahil sa price ceiling.

Ayon sa mga magtitinda, malaking halaga ang mawawala sa kanilang kita at malaki ang magiging lugi nila kung magbebenta dahil mataas pa rin ang halaga ng kuha nila sa mga meat owners.

Marami pang palengke sa QC ay ganito rin ang nangyari maging sa iba pang palengke sa mga lungsod sa Metro Manila.

Sa Maynila, nakiisa ang mga meat vendor sa 17 pampublikong pamilihan sa isinagawang ‘pork holiday’.

“Yes po all 17 public markets po ng Manila,” ayon kay Manila Market Administration Office director Zenaida Mapoy.

Ayon kay Mapoy, ilang meat vendors ang nagtinda pa ng stock nilang suplay kahapon ng umaga sa San Andres Market at Quinta Market at hindi na nagtinda kinahapunan.

Sinabi ni Proscilla Romanes, opisyal ng Paco Market Vendors Association, na hindi nila kakayanin ang ipinataw na P270 price ceiling sa presyo ng karne ng baboy dahil sa nasa P300 na kada kilo ang puhunan nila sa mga supplier.

Iginiit ng mga vendors na silang mga retailers ang pinahirapan sa ipinatupad ng pamahalaan habang hindi nahahabol ang pananamantala ng mga ‘middle-men’ na mga nagdidikta sa suplay ng paninda.

Tila magtatagal pa ang ‘pork holiday’ dahil sa banta ng mga vendors na hindi rin magtitinda ngayong Martes kung patuloy na ipatutupad ang price ceiling.

Kahapon, sinimulan ng pamahalaan ang pagpapatupad sa price ceiling sa ilalim ng  Executive order 124 na nagtatakda na ang halaga ng kada kilo ng kasim at pigue ay  P270, P300  sa kada kilo ng liempo, at P160 ang kada kilo ng manok sa Metro Manila sa loob ng  60 araw.

Sinabi ni Jayson Caingket ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) mataas ang gastos nila sa pagdadala ng baboy mula Visayas at Mindanao  papuntang Metro Manila na halos higit pa sa tripleng presyo at mahihirapan ang mga magtitinda ng baboy at manok na kumita kung may price ceiling.

Samantala, iniulat naman ni Agriculture Secretary William Dar na may mga produktong baboy mula sa Mindanao, Visayas, at ibang bahagi ng Luzon kasama na sa Batangas ang ipapasok sa Metro Manila markets na maibebenta na may cei­ling price .

Mayroon ding 600 ulo ng baboy ang galing sa ibang lalawigan sa  Visayas partikular sa Iloilo ang dinala sa mga pamilihan para mapunan ang pangangilangan sa suplay nito sa  Luzon. — Danilo Garcia

vuukle comment

PORK MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with