^

Metro

Lawton underpass nakakasa na ang ‘makeover’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lawton underpass nakakasa na ang �makeover�
Ang naturang underpass ang nagsisilbing daanan ng libu-libong estudyante na mula sa Colegio de San Juan de Letran at Lyceum of the Philippines, gayundin sa mga empleyado ng mga establisimyento sa lugar at ang mga mang­gagawa at biyahero na patungo sa parking terminal ng mga bus patu-ngong Cavite.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Matapos ang ma-tagumpay na total makeover sa Manila City Hall Underpass sa tabi ng Lagusnilad, ikinakasa na rin ang pagpapaganda ng Lawton Underpass na nag-uugnay sa Park N’ Ride area at Intramuros area.

Ang naturang underpass ang nagsisilbing daanan ng libu-libong estudyante na mula sa Colegio de San Juan de Letran at Lyceum of the Philippines, gayundin sa mga empleyado ng mga establisimyento sa lugar at ang mga mang­gagawa at biyahero na patungo sa parking terminal ng mga bus patu-ngong Cavite.

Nauna rito, noong Marso ay ipinaayos ni Moreno ang MCH Underpass, na nagko­konekta sa city hall sa Intramuros matapos na maging mabaho at marumi nang gawing tindahan ng mga illegal vendors.

Kamakailan lamang ay binuksan nang muli nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pinagandang MCH Underpass na hinanga­an dahil sa pagiging malinis, maaliwalas, moderno at pagkakaroon pa ng vertical gardens at ang kahanga-hangang ipinamalas ng mga artists sa art work at murals na nag­lalarawan ng mayamang kasaysaysan ng Maynila.

Makikita rin sa MCH Underpass ang isang information map ng mga linya ng jeepney sa lungsod, at isang digital information kiosk na maaaring gamiting gabay ng mga turista, mga bisita at mga residente para tuntunin ang ispesipikong lugar sa lungsod na nais nilang puntahan.

Isang bahagi rin ng underpass ang inilaan para bigyang-parangal ang mga frontliners ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

MANILA CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with