^

Metro

Bebot tinodas sa loob ng UP campus

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot tinodas sa loob ng UP campus
Ang biktima ay tinata­yang nasa edad 35- 40, may taas na 5’2, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng New York Los Angeles black-shirt at blue shorts.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae makaraang pagbabarilin  sa bahagi sa UP Campus sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay tinata­yang nasa edad  35- 40, may taas na  5’2, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng New York Los Angeles  black-shirt  at blue shorts.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-3:11 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa service road ng Katipunan Avenue sa harapan ng  UP Campus sa  Quezon City.

Ayon sa imbestigador na si S/Sg Julius Raz, nagpapatrulya umano sina MMDA traffic enforcer Arturo Toledo at Richard Franco sakay ng motorsiklo nang maispatan ang duguang nakahandusay na katawan ng babae sa nasabing lugar.

Agad namang nagresponde ang  SOCO team sa pamumuno ni PLt. Michael Jabel at nasamsam sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng  caliber .45.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang makilala ang biktima at mga salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

JULIUS RAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with