^

Metro

Sinalakay na online gaming sa Makati, NOGO hindi POGO- PAGCOR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sinalakay na online gaming sa Makati, NOGO hindi POGO- PAGCOR
Nilinaw ng PAGCOR na bilang gaming regulator ng bansa, wala silang police power at walang kapangyarihan na umaresto at umusig sa iligal gambling ope­rations.
Tory Ho/AFP, file

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagsalakay sa isang residential building sa Makati City noong Martes sa iligal na online gaming kung saan naaresto ang 63 Chinese nationals at 13 Pinoy na empleyado.

Nilinaw ng PAGCOR na bilang gaming regulator ng bansa, wala silang police power at walang kapangyarihan na umaresto at umusig sa iligal gambling ope­rations.

Pabor din ang PAGCOR sa naging aksiyon ni Representative JB Bernos, Chairperson  ng House Committee on Games and Amusements, na nanawagan sa mas masusing imbestigasyon sa prose­so ng  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasunod ng pagkakadiskubre at pagsalakay sa iligal na operasyon ng hindi rehistradong offshore gaming sa Makati City.

Hindi umano POGO ang sinalakay sa Makati City kundi NOGO o non-registered offshore gaming operators at kinokondena ng PAGCOR ang lahat ng iligal na sugal sa bansa, maging land-based o online.

Matatandaan na noong Marso 21, 2019, isang mutual coope­ration agreement ang pinasok ng PAGCOR sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at  Office of Cybercrime (OOC) ng  Department of Justice (DOJ), kung saan nabuo ang inter-agency council o Task Force na hahawak sa intelligence gathering ng  illegal online gambling, centralized information sharing, intelligence operations, surveillance, raids, arrest at  prosecution ng illegal online gaming activities.

Ang pagkakadiskubre ng iligal na NOGO operation sa Makati City noong Mayo 5 ay resulta ng concerted inter-agency effort.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with