^

Metro

22 senior citizens sa Maynila, nagpasaklolo kay Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 22 senior citizen ng isang barangay sa Maynila ang nagparating ng kanilang hinaing kay Mayor  Isko Moreno  makaraang hindi umano makarating sa kanila ang mga ayuda.

Sa ipinadalang liham ng mga senior citizen ng Brgy. 420, Zone 43, Sampaloc District 4 sa alkalde, hindi umano sila nabigyan ng gatas na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan maging ang P1,500 nilang pensyon.

Ilang beses  na umano nilang tinanong sa kanilang barangay ang tungkol sa naturang mga ayuda ngunit na paulit-ulit umano silang sinasabihan ng kanilang mga opisyal na maghintay.

Dito sila nagpasya na dumiretso na sa tanggapan ng alkalde para malaman kung mayroon pa talaga silang hihintayin.

Hinihinala nila na pinopolitika umano sila na taliwas sa direktiba ni Moreno na huwag unahin ang gusot sa politika sa barangay at ipamahagi ang lahat ng ayuda lalo na sa mga senior citizen.

Una nang pinaimbestigahan ng alkalde ang limang barangay captain sa Maynila habang pinadalhan ng show cause order ang nasa 46 pang opisyal matapos nang napakaraming reklamo na ipinaabot sa kanyang tanggapan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.

vuukle comment

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with