^

Metro

Mabigat na trapik sa Maynila inaasahan ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Para sa state visit ng Pangulo ng Singapore 

MANILA, Philippines — Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) na asahan ang mabagal na daloy ng trapiko dahil sa pagsasara ng Roxas Boulevard upang bigyang-daan ang state visit ng Pangulo ng Singapore na si Halimah Yacob.

Sa traffic advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit, simula kagabi (Setyembre 8) ng alas-10:00 ng gabi ay sarado na ang magkabilang lane ng Roxas Boulevard hanggang alas-10:30 ng umaga ngayon (Set. 9).

Ito’y sa bahagi lamang ng Roxas. Blvd mula sa TM Kalaw hanggang sa Katigbak Drive sa Ermita.

Pinayuhan naman ang mga light vehicles na daraan sa southbound lane ng R. Blvd, ay kumanan na lang sa Katigbak Drive, kaliwa sa Independence Road, kaliwa sa South Drive at kaliwa rin sa P. Burgos, kanan sa Maria Orosa at kanan sa TM Kalaw patungo sa destinasyon.

Ang malalaking sasakyan tulad ng trucks at trailers na nais ding dumaan sa southbound ng R. Blvd ay pansamantalang gamitin ang P. Burgos, kanan sa Finance Road, patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyang daraan naman sa northbound ng R. Blvd. ay pinayuhang kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa P. Orosa, P. Burgos at kanan sa Finance Road patungo sa destinasyon.

Sa trucks at trailers na pa-northbound naman ay kumanan sa Pres. Quirino Ave­nue patungo sa destinasyon.

Nabatid na kahapon ang pagdating sa bansa ni Pres. Yacob, ang kauna-unahang babaeng pangulo sa nasabing bansa para sa 5-day state visit na nagsimula Set 8-12 para sa ika-50th year ng diplomatic ties ng Singapore at Pilipinas.

vuukle comment

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with