^

Metro

QC school heads, brgy. chairmen pwede nang magsuspinde ng klase

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
QC school heads, brgy. chairmen pwede nang magsuspinde ng klase
Ito ayon sa Quezon City’s School Disaster Risk Reduction and Management Councils (SDRRMC) na kung nakikita nilang kinakailangang ipatupad ang hakbang upang mapangalagaan ang mga mag-aaral dulot ng nararanasang masungit na panahon.

MANILA, Philippines — Maaari nang magsuspinde ng pasok ng mga mag-aaral ang mga school heads at barangay chairpersons sa Quezon City.

Ito ayon sa Quezon City’s School Disaster Risk Reduction and Management Councils (SDRRMC) na kung nakikita nilang kinakailangang ipatupad ang hakbang upang mapangalagaan ang mga mag-aaral dulot ng nararanasang masungit na  panahon.

 Ayon sa SDRRMC, ang hakbang ay batay sa resulta ng ginawang pulong tungkol  sa QC’s local protocols hinggil sa pagdedeklara ng suspension ng klase ng mga  mag-aaral at pasok sa trabaho sa lungsod.

Una nang nagpalabas si QC Mayor Joy Belmonte  ng Memorandum Circular No. 1 na nagtatakda ng  general guidelines  hinggil sa  localized cancellation o suspension  ng klase ng mga mag- aaral at pasok sa trabaho sa mga tanggapan sa gobyerno.

Sa naturang kautusan, binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga paaralan at barangays na magdeklara ng kanselasyon ng pasok kung kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.

Sinabi ni QC Disaster Risk Reduction and Management Council head Mike Marasigan na agad ipapaalam sa kanyang tanggapan ng mga barangay at paaralan na nagdesisyon na silang kanselahin ang klase dahil kinakailangan.

Sa ilalim ng guidelines, ang  city-wide class suspensions ay dapat inaanunsyo ng alas 4:30 ng madaling araw at bago mag-alas 11 ng umaga para sa  afternoon classes.  

vuukle comment

CLASS SUSPENSION

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with