^

Metro

2 ‘berdugo’ ng ASG, timbog ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 �berdugo� ng ASG, timbog ng NBI
Iprinisinta kahapon ng NBI ang mga nadakip na mi-yembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot sa 6 na katao noong 2002 at namugot pa ng ulo sa dalawang mga naging biktima ng mga ito.
Kuha ni KJ Rosales

Namugot sa 2 miyembro ng Jehovah’s witness

MANILA, Philippines – Makalipas ang 17 taon, nadakip na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang tauhan ng Abu Sayyaf  na sangkot sa pagkidnap, pagpiit at pagpugot ng ulo sa dalawa sa anim na biktima sa magkahiwa- lay na operasyon sa May-nila at lungsod Quezon. 

Sa pulong-balitaan kahapon sa NBI main office, iprinisinta ang mga na­a­restong suspect na sina Anwar Sabarul Mohotoh na may mga alyas na Ibno Ayob at Ayyub, miyembro ng Basilan based ASG at Adzhar Hadjula Mannan, na may mga alyas na Julmain, Marwan, Ismael Maomar Timbao na inaresto sa bisa ng warrant  of arrest.

Ang dalawa ay kabilang sa grupo ng Abu Sayyaf na nangidnap sa anim na katao noong 2002 kung saan dalawa sa mga biktima na kaanib sa Jehovah’s witness ang pinugutan pa nila ng ulo noong Agosto 20, 2002.

Si  Anwar  ay nadakip  sa Quiapo, Maynila matapos matanggap ang impormas­yon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagtatago ito sa Maynila.

Sumunod namang na- ­tim­bog   si Julmain  sa  Salam Compound, Culiat, Quezon City, kung saan siya nagpapatakbo ng negosyong  food stall at gumagamit ng iba’t ibang pangalan.

Si Julmain ay aktibo pa umanong miyembro ng ASG Urban Terrorist Group-Special Operations Group, siya ay sinasabing kanang-kamay ng namayapang ASG lider na si Isnilon Hapilon at nagsilbing kasama ng mga ASG sub leaders sa pagtungo sa Marawi City, Mindanao at Palawan.

Sumailalim si Hapilon sa training sa pamumuno ni ASG leader Khadaffy Janjalani sa Lanao Del Sur.

Bago siya maaresto ay nalaman din na aktibo siya sa pagre-recruit ng kanilang organisasyon at nagsasagawa rin ng pag-do-doktrina upang makahimok ng maraming mi-yembro.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawa sa NBI detention facility habang hinihintay pa ang commitment order kung saan sila permanenteng ikukulong.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with