^

Metro

Gunrunner bulagta sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang lalaki na miyembro umano ng isang gunrunning syndicate nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang operasyon sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 Nakilala lamang sa  alyas Payok, ang nasa­wing suspect, nasa 45-50 taong gulang, nakasuot ng puting t-shirt, berdeng short pants at itim na ball cap.  Nakatakas naman ang isa niyang kasamahan sakay ng isang motorsiklo.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nagkasa ang Police Community Precinct 6 ng buy-bust operation sa dalawang suspek na natukoy na nagbebenta ng baril dakong alas-12:05 ng madaling araw sa may People›s Avenue, Bankers Village, Brgy. 171 Bagumbong, ng naturang lungsod.

Isang pulis ang nagpanggap na  buyer ng baril at nakipagtransaksyon sa mga suspek. Nang matanggap ang bayad na marked money, kumilos na ang mga pulis para arestuhin ang dalawa ngunit nakahalata sila sa presensya ng mga alagad ng batas.

 Bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga paparating na pulis na hindi naman tinamaan.  Dito nagkaroon ng palitan ng putok ng baril hanggang sa duguang bumulagta ang isa sa mga suspek habang nagawang imaneho ng isa pa ang kanilang motorsiklo at su­mibad papatakas patungo sa direksyon ng Barangay Bagong Silang.

 Narekober sa katawan ng napaslang na suspek ang isang kalibre .38 baril na may limang bala, isang kalibre .22 magnum rebolber, isang pakete ng shabu na may halagang P6,000 at ang P2,000 marked money.

vuukle comment

CFRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with