^

Metro

Probe sa PDEA leaks, ‘dedo’ na sa Kamara – Manila solons

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng paniniwala ang dalawang mambabatas na mula sa Maynila na hindi na makalulusot pa sa Kamara de Representantes ang tinaguriang “PDEA Leaks” probe.

Sa kanilang pagdalo sa “MACHRA Balitaan”, media forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View, sinabi nina Manila Reps. Ernix Dio­nisio, ng First District, at Irwin Tieng, ng Fifth District, na “dead in the water” na ito sa House of Representatives (HOR).

Sinabi pa ng mga mambabatas na dapat ay matagal na ring itini­gil ang imbestigasyon sa Senado dahil wala naman itong naging magandang resulta upang makatulong sa lehislasyon.

Ayon kay Dionisio, na siya ring assistant majority leader ng HOR, wala na rin silang nakikita pang dahilan upang magsagawa ang Kamara ng sariling imbestigasyon hinggil dito.

“I don’t think is should continue.. it’s enough if the issue can no longer be expounded. Nakita na natin ang mga kakulangan,” aniya pa.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Tieng na redundancy na lamang kung iimbestigahan din ng Kamara ang isyu. Ani­ya, “It is unnecessary at this point.”

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with