^

Metro

SUV driver, todas sa road rage sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SUV driver, todas sa road rage sa Makati
Sa sketchy report mula kay P/Major Anthony Bagsik, commander ng Ayala Police Sub-station, dakong alas-2:30 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente ng pamamaril malapit sa Ayala southbound tunnel, sa Barangay  Urdaneta, Makati City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng isang SUV nang barilin ng nakaalitan sa trapiko sa Makati City nitong Martes ng hapon.

Sa sketchy report mula kay P/Major Anthony Bagsik, commander ng Ayala Police Sub-station, dakong alas-2:30 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente ng pamamaril malapit sa Ayala southbound tunnel, sa Barangay  Urdaneta, Makati City.

Inilarawan ang nasawi sa edad na  45-50 anyos na nagmaneho ng isang itim na Toyota Innova na may plakang NCV-5421.

Hindi pa tukoy ang kalibre ng baril na ginamit sa krimen ng gunman na nagmamaneho umano ng Sedan.

Batay sa nakasaksi, ang biktima at suspek ay kapwa bumabagtas sa Kalayaan Flyover  southbound patungo ng EDSA southbound  ng Brgy. Urdaneta nang magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan na nauwi sa pamamaril ng suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente kabilang ang pagtukoy sa plaka ng sasakyan ng suspek upang matunton at maaresto.

Dahil sa insidente, nagdulot ng paninikip sa daloy ng trapiko pansamantalang pagsasara ng Ayala tunnel.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with